Home

For years I have been trying to help people like you, who are venturing into uncharted territories of the stock market, to become better investors. That’s the mission statement, plain and simple. My job is not to tell you what to think, but to teach you how to think about the market like a King and conquer the stock market realm.

PM is the KEY!!!

SCAM/PYRAMIDING/NETWORKING ba yan?
»Kung sa tingin mo scam ang SM, Ayala, PLDT, Meralco, Jollibee, BDO, BPI, etc, malamang scam nga.. Pero HINDI po… MALAKING HINDI! Ang isang kumpanya, bago siya maging “publicly listed” company or bago pa man siya mapasama sa stock market, ito ay masusing sinusuri ng mga financial experts ng Philippine Stock Exchange, ang regulatory body sa Philippine Stock Market.

Paano mag-start?

Visit mo to: COL Financial – Philippines

Fill out ka online application form tapos print mo or download and print mo yung blank application form tapos sulatan mo. Send mo sa COL Financial thru LBC, wait for them to contact you and give your account number, fund your account w/ your P5,000 then wait for them to give your password, tapos OK na

Kung gusto mo exciting visit mo building nila sa Ortigas, tanong mo nalang sa guard anong floor 10 years ago na nung nag open ako.


Ano ang requirements?

1 Valid ID, 1 Billing Statement Paano kung walang billing statement na nakapangalan sa akin?
Pwede yung bill na nakapangalan sa kapamilya mo (same surname, same address)

Paano kumita sa Philippine stock Market?
(1) Thru Dividends – cut mo sa kita ng company. Parang commission ito mula sa company dahil stockholder ka nila.
(2) Thru Price appreciation – over time tataas ang halaga ng stocks na binili mo. So kung nabili mo ng mura tapos over time nagmahal ang presyo at ibinenta mo ito, kita ka na. Magkano ang kikitain ko dyan?
Hindi ko alam dahil walang fixed na kita.
»Ang kita mo at kung gaano ka kabilis kumita ay nakadepende sa (1)performance ng company na binilhan mo ng stocks, (2)perfomance ng ekonomiya, (3)market prices.

Magkano ang kita pag may na-refer?
»WALA PO. Hindi po referral system ang Philippine Stock Market.

May possibility ba na malugi?
»Meron lalo na kung (1) sa mga hindi kilalang negosyo ka nag-invest, (2) nagbenta ka ng stocks at when the price are low (example, crisis. Dapat pag bagsak presyo, wag ka mag-panic. Normal lang yan. Dapat nga mas bumili ka ng stocks kasi mura lang ang presyo. Eventually the market will recover naman and ang trend ng ekonomiya ay palaging pataas)

Normal lang ba na pabago-bago ang presyo ng stocks?
»Oo. Minsan mataas, minsan mababa. Hindi mo mahuhulaan kung kelan tataas or bababa. Pero ang trend naman nyan palagi ay pataas.

Pag bumaba ang presyo ng binili kong stocks, lugi na ba ako?
»Hindi.

Pag bumaba ang presyo ng binili kong stocks tapos binenta ko, lugi na ba ako?
»Oo. Kaya dapat wag kang magbebenta pag mababa ang presyo. Dapat nga mas bumili ka dahil pag nag-recover ang prices at marami kang nabiling stocks when the prices were low, malaki gains mo.

Kailangan ba P5,000 every month?
»Hindi. Pwede ka mag open ng account w/ P5,000 tapos ANY AMOUNT pwede mo i-add sa funds mo ANY BANKING DAY you want.

May maintaining balance ba?
»Wala.

Paano pag nakalimutan ko mag-deposit o kung wala akong pera for a particular month?
»Ok lang, walang kaso yun. Walang fees or charges at wala rin account closure. Depende kasi sayo kung kelan at kung magkano mo gusto mag-deposit or withdraw.

Anong stocks ang magandang bilihin?
»May mga recommended stocks for investment sa Easy Investment Program ng COL Financial.

Paano pag nagsara ang broker ko, lugi na ba ako?
»Hindi. Regulated ang participants sa stock market ng Philippine Stock Exchange, Inc. (PSE). In case magsara ang broker pwede mo makuha ang stocks certificate mo sa PSE at pwede mo ito ilipat sa ibang broker.

Ano ang advantage ng Stock Market?
»Sa stock market, sure yan na hindi scam, basta sa brokers ka lang na naka-list sa www.pse.com.ph mag-o-open ng account.
»Mas kikita ang pera mo kumpara sa kung pinatulog mo lang ito sa bangko.
»Mas nakakasigurado na lalago ang pera mo at hindi maglalaho kumpara sa mga networking sa tabi-tabi.

Ano ang disadvantage ng Stock Market?
»Volatile – o mabilis mag fluctuate ang presyo ng stocks.
»Kailangan ng PASENSYA dito dahil pang LONG TERM ito, kaya bawal ito sa mga taong nagmamadaling kumita. Tandaan ang stock market ay para sa pera mo na pang “Savings”. Wag mo i-invest dito yung pera mo for your “cost of living”.

Paano pag na-dedo ako?
»Yung stocks mo ay magiging parte ng estate properties mo na pwede manahin ng asawa mo or ng mga anak mo. Pwede mo rin maging ka-joint account ang asawa mo sa account mo kung gusto mo.

Kailangan ba tutok ka sa pag mo-monitor ng stocks mo?
»Hindi naman. Pwede mo i-check ang stocks mo anytime you want. Kahit nga once a month lang ok lang or kung kelan ka lang bibili ng stocks.

Paano pag may account na ako tapos ayaw ko na mag stock market, pwede ko ba kuhanin yung pera ko?
»Oo pwede yan. Ibenta mo lang stocks mo tapos fill out ka ng withdrawal form para ideposit ng COL Financial sa bank account mo yung pera. Pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo makuha ng buo yung pera mo. Mas recommended kung hintayin mo muna mag kulay green yung portfolio mo bago mo ilabas yung pera mo para buo o mas mataas pa yung pera na mailalabas mo mula sa account mo.

Ano ang kaibahan ng MUTUAL FUNDS at STOCK MARKET?
»Sa Mutual Fund, may FUND MANAGER na humahawak ng pondo mo. May mga rules siya na dapat mo sundin at siya ang nagdedesisyon kung saan iinvest ang pera mo. Siyempre, dahil expert sila at sila nagma-manage sa pagpapalago ng pera mo, less risk pero mas malaki ang charges. Kung ihahalintulad sa biyahe, nagko-commute ka lang at nagbabayad sa driver para makarating sa pupuntahan mo. Kahit ZERO knowledge ka sa stocks/mutual funds, ok lang dahil may fund manager ka.
»Sa Stock Market, ikaw ang bahala sa lahat. You make your own rules. Ikaw bahala sa kung magkano ipopondo mo at kung saan mo ito iinvest. Kung ihahalintulad sa biyahe, you drive your own car and you plan your own route para makarating sa pupuntahan mo. Risky ito KUNG HINDI KA PROPERLY EDUCATED sa stock market kasi baka magpadala ka lang sa takot mo ibenta mo lahat ang stocks mo pag nagcrash ang market. Pero kung nauunawaan mo naman ang behavior ng stocks, less risk rin ito. Investor education plays an important role.

Ano ang mas maganda MUTUAL FUNDS o STOCK MARKET?
»Ikaw lang ang makakasagot niyan kung ano ang mas maganda sa palagay mo.

May seminar ba para dito?
»Meron. pwede kayo magpa-register sa: https://www.colfinancial.com/…/…/home/investor_education.asp »Mas detalyado ang paliwanag sa mga episodes ng Pesos and Sense kumpara sa 2-hour seminar ng COL Financial. Pero maganda rin kung aattend ka ng seminar sakaling may mga tanong ka pa.
»Pwede rin kayo mag-apply ng account on the spot after the seminar.

Saang stock broker maganda mag-open ng investment account?
»#1 Online Stock Broker ang COL Financial as ranked by PSE. Performance wise, lamang siya sa ibang online stock brokers like BPI Trade, Philstocks and others. Pero kung me savings account kayo sa metrobank, maganda rin na sa firstmetrosec kayo mag open dahil kahit walang initial amount pwede, fill up lang online, i-print out tapos dalhin sa kahit saang metrobank branch, sila na ang magpadala sa head office nila. The best ang platform ng firstmetrosec. You may check there website: https://www.firstmetrosec.com.ph/

Testing ba? dont worry, Investagrams is ❤

Testing ba?

So ang problema wala kang pera pero gusto mo padin makita ng parang actual?

Wag mag alala merong virtual trading na tinatawag!

Eto Iyabang ko lang sayo kung gano kahusay master mo!

Virtual Trading na di pa ako seryoso, asin di pa isang daang porsyentop pero nilampaso ko lahat ng mga kasali ng mga class B na halimaw!

Wala class S na halimaw tayo e!!! nyahahahaha KumanderAlakdan lang malakas!

So first step visit mo to Login | Investagrams sila pinaka sikat sa pinas, and investagrams ay website na pwede mo bisitahin para Makita mo performance ng ph stock market.

Mag register ka libre lang. tapos click mo virtual trading tab

Tapos click my portfolio!

Tapos bibigyan ka nila ng virtual money na 100k pam praktis mo!

Then hintayin mo mag open stock market, weekdays yun 9am to 3;30pm

Tapos bili ka ng shares ng napupusuan mong company yung sa tingin mo e tataas ang share price sa araw nayun!

Tapos pag Masaya ka na sa gain mo! sell mo kase walang poreber!

Ganun lang sa pinas buy low sell high!

Ang malaking tanong lang is anong company ang tataas? Basahin mo pa blog ko syempre tuturo ko yun dito!

Design a site like this with WordPress.com
Get started